Ikinalulugod naming kayong iniimbitahan sa aming Clients Day and Recognition Ceremony na gaganapin sa Development Academy of the Philippines!

Kasabay ng pagdiriwang ng aming ika-limampung anibersaryo na may temang: “Kapwa, Kakayahan, at Kaunlaran: Limampung Taon ng Kahusayan sa Paglinang ng Bayan”, isa itong pagkakataon upang maipakita ang iba’t ibang programa upang malinang ang kakayahan ng ating mga lingkod-bayan.

Huwag kalimutan ang petsa: 11 Oktubre 2023 mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko-y-medya ng hapon sa DAP Main Building, San Miguel Avenue, Ortigas Center, Pasig City.

Maaari nang magrehistro sa: https://bit.ly/ClientsDay_2023

Kita-kita tayong lahat!